Siguro, eto na last post ko dito. I have to move on kahit sobrang hirap. Kahit pakiramdam ko, inagawan ako ng mundo.
Kung mababasa mo to, gusto ko lang malaman mo na wala na kong ibang minahal ng sobra pa bukod sa’yo. Wala akong sineryosomaliban sa’yo. Lahat ng plano sa future, pati yung forever ko, ikaw lang pinangakuan ko nun. Kung nagkulang padin ako sa’yo, sorry. Kasi, akala ko, lahat na ng ginawa ko enough eh. :’( Sa mga kasalanan ko, alam ko namang isa yung sa mga bagay kung bat tayo nagkaganto eh. Lalo na yung ugali ko paggalit. Alam mo ba, simula nung minahal kita, dun lang humaba pasensya ko. Kahit papano. Sa’yo ko lang nagawang magtimpi kahit galit na galit na ako. na kahit gustong gusto ko nang sumigaw, hindi ko ginagawa, kase ayokong masaktan ka. Alam kong may times padin na nasisigawan kita. Sorry kung nagagawa ko yun. Alam ko namang takot ka pagnasisigawan ka eh. Sorry kase minsan nakakalimutan ko yung fact na yun. BI, let me call you this just for this text. Bi, sana naman maging masaya ka, alam mo, kahit siguro na tumagal, aasa parin akong babalik ka sa’ken. Kahit na sinabi mong hindi mo na ako mahal, aasa padin ako. Sorry ha, naging sentro ka ng buhay ko. Sorry kung napaka kulet ko sa’yo. Alam mo ba, gustong gusto ko marining ulit boses mo, gusto ko marinig na mahal na mahal mo parin ako. Na ako lang gusto mo maging asawa pagtanda naten. Na ako yung reason kung bat ka magpapagaling. Gusto ko ako parin. Kahit sabihin mong marami pang iba, ikaw lang mamahalin ko ng sobra. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang magmahal ng iba eh. :’( BI, mahal na mahal kita. Alam mo ba, ikaw lang pinaglaban ko kay mami. Ikaw din yung rason kung bat gusto ko magaral at makapagtapos agad, gusto ko kasing matupad lahat ng plano naten eh. Gusto ko pagkinasal tayo, mabigay ko sa’yo yung lahat. Sorry kung ganto ako ha? Sorry kase hindi tumagal yung forever naten. Sorry kase nagfade yung love mo, hindi ako naging worth it para mahalin mo forever. Alam mo ba, sa’yo ko lang naramdaman to. Nung sinabi mo saking hindi mo nko mahal, sobrang sakit. Hindi ko maexplain eh. As in, sobra sobra. Inagaw na mundo ko eh. Iniwan na ako nung taong ginawa kong buhay ko. Yung taong binigay ko buong puso ko. Wala na eh, hindi na ako mahal. Hindi na ako binigyan ng chance pa para gawan ng paraan lahat eh. Gagawin ko lahat, bumalik ka lang eh. SKung may iba ka na, sana alagaan ka niya ng sobra. Wag ka papabayaan, wag ka sisigawan, wag ka din hahayaang magloko. O maglakwatsa. Kase di ba, ayaw mo yun? Gusto mo pigilan ka. Sana din, hindi ka niya sakalin. If ever na may plano kayo sa future, sana matupad yun. Gawin ka niyang pinaka masayang babae sa mundo. Sana wag ka niya paiyakin, at wag na wag ka din niyang sasaktan. Sana lahat ng pagkukulang ko, mapunan niya. Alam ko, madaming mas better sa akin, kaya hindi na ako magtataka kung may ipapalit ka sakin. Sana bi, masaya ka. Kung mababasa mo man to, wag ka maawa ah? I’ll be better soon. As much as possible, hindi kita guguluhin. Pero hindi ko naman mappromise yun eh. Kase hindi ko kayang wala ka sa buhay ko. Bi, pagdumating yung time na ok na ako, sana maging friends tayo. Ayokong mawalan ng contact sa’yo. Alam mo, napaka special mo sa’ken. Princess kaya kita? Sana paglipas ng ilang weeks, months, or even years, wag tayo mawawalan ng contact. Pagkailangan mo ako, andito lang ako palagi sa’yo. Alam mo namang pinaprioritze kita lagi diba? Alam mo ngayon, hindi ko alam gagawin sa buhay ko. Hindi ko alam kung pano ako maguumpisa. Hindi ko din alam kung pano ka kakalimutan. I feel so lost. Ang laki masyado ng kinuha sa’ken eh. Hindi ko alam kung pano yun papalitan. Hindi ko nga alam kugn kaya ko eh. Pero wag ka magalala, ittry ko. Sana naman, wag mo na akong ipagtulakan sa iba, Kase, sobrang sakit eh. Hindi ko kakayanin. Sayang noh? next week lang, monthsary na naten. Kung hindi tayo nagkaganto, ang kulet siguro naten.Tapos, magaaway pa tayo niyan, kase gugustuhin kong makipagkita ka sakin next week kaso, wla ka nanamang time. Magtatampo nanaman ako, tas magaaway tayo. Tas, ako din naman magsosorry. Haha. Ang kulet noh? Naimagine ko lang. Baby, I love you. No matter what happens, I’ll always be by your side. Hinding hindi kita iiwan. Bi, ikaw lang minahal, mahal, at mamahalin ko. I know this looks pathetic, but please, wag mo naman akong kaawaan. Pagpasensyahan mo nko ha? Minahal kase talaga kita ng sobra. I sicerely did. I loved you, and I’ll always love you. No matter how long, or no matter what happens Kahit ilang weeks, months, or even years pa ang lumipas, I will always love you. Ikaw lang ang forever ko. Wala ng iba. Sorry, kase things didn’t work out for the both of us. Sana maging masaya ka. Kung magbago man isip mo, andito lang ako lagi para sa’yo. Baby, I love you so much. :* (totoo nga noh? ag mo taawaging baby ang isang tao, kase ang baby lumalaki, at paglumaki yan, magiiba naren ang feelings niya. :)) Thank you for everything. Sa lahat ng memories. I’ll always cherish it. Kase, alam ko namang yun nalang matitira eh. Thank you ha? I love you. Baby ko, mahal na mahal kita. Advance happy monthsary. :) :( </3
Kung pwede lang sana gawan ng paraan lahat ng bagay e. Solusyonan lahat ng problema. Nakakaputang ina kase e. Alam mo yun? Di ko alam nararamdaman ko. Feeling ko, ang laking part talaga ng pagkatao nawala sa’ken. Bullshit lang e. :/ Naalala ko nung nagpacheck up ako. Kasama ko si Scott. :/ Sabi ni doc sa’ken, tumigil na daw ako magyosi. Yung likod ko kase, kaya pala sumasakit, dahil sa lungs ko. :/ Tas, may gamot na nireseta sa’ken. Di ko iniinom. Di ako makabili, kase baka malaman ni mami. :/ Tsk. Badtrip lang. Sumasakit nanaman. Di ko mapigilan magyosi e. Pero humina na naman ako. Sinusubukan ko namang pigilan e. Pero parang ngayon, ayoko na tumigil. Kase, alam mo yung, parang atat na akong umikli buhay ko. Pero ayoko pang mamatay. :( Di ko alam gusto ko mangyare sa’ken e. :/ leche lang talaga. Gusto ko na matapos lahat ng bullshits na to. Tagal magfade, ATAT NA ATAT na ako. Ang hirap hirap na eh. Ang tagal bumalik ng dating ako. :( 8 months before. Tanginalangtalaga. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. :(
“Baka kaya tayo iniiwan ng mga mahal naten kasi.. baka may bagong darating na mas okay.. na mas mamahalin tayo.. Yung taong di tayo sasaktan at paaasahin.. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin..” :’(
Ang sakit lang ng puso ko ngayon. Di ko ineexpect na sa ganito matatapos e. :( Ewan ko ba. This time, wala na kase akong magagawa eh. Siya na yung nag give up. :’( Ang sakit lang nung narinig ko yung mga yun. Ngayon ko lang naramdaman na parang dinudurog yung puso ko. OA man kung OA, pero ganun e. :( Ganung kasakit. Hindi ko manlang siya magawang pigilan, kase alam kong wala na talaga. Pagod na siya, at pagod naren ayoko. Ayoko nang ipilit ang wala. Kahit gano ko pa siya kamahal. Siguro nga, nasobrahan ako ng pagmamahal sakanya. O nawala lang yung pagmamahal niya sa’ken. Ganyan nararamdaman ko eh. Hindi ko alam kung sino may mali, di ko alam kung nasobrahan ako, o nawalan lang siya ng love para saken. Nag fade na. :( Di ko ineexpect na magiging ganto ako dahil sa isang tao. Parang tinanggalan ako ng isang malaking part sa puso ko eh. Sa pagkatao ko. Kahit gusto kong pigilan yung nararamdaman ko, hindi ko magawa. Ngayon lang ako nagseryoso ng ganto. Ngayon lang ako nagmahal ng sobra, at ngayon lang din ako nasaktan ng sobra sobra. :’( Di ko nga magawang tumahan eh. Kala ko kanina, tapos na. Wala na. Hindi na ulit ako iiyak. pero eto eh, naguumpisa nanaman ako. I feel so pathetic. Sobra. Naawa na ako sa sarili ko eh. Walang wala ako sa sarili ko. Ayoko ng ganto. :’( Sana matapos na agad lahat ng to eh. Di ko nga lang alam kung pano ko uumpisahan. Hindi ko alam kung aasa pa ako. Hindi ko alam kung pano ko siya sisimulang kalimutan. Halos sa lahat ng gagawin ko, siya naalala ko eh. Kelan pa naging ganto kalaki epekto niya saken? Ang sakit sakit. Hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko umiyak eh. Gusto ko na itigil ng lahat ng to. Pero hindi ko talaga magawa. Bat ganto kabilis natapos yung forever? Asan na yung promises? Asan na yung plans namen? Yung dreams namen? Lahat planado na e. Lahat. Bat nangyare pa to! God has too many plans for me that I didn’t expect. Lalo na to. Bat kung sino pa yung pinaka importanteng tao sa buhay ko, siya pa yung nawala? Putang ina naman eh. Ang sakit sakit. Bat ganun. Di ako ready eh. Hindi ko kaya, pero kailangan e. Kailangan kong kayanin kahit di ko gusto. Kung pwede lang sana na panaginip lang lahat e. Kahit gano katagal pa ako matulog, ok lang, basta paggising ko, kasama ko parin siya. Ako parin mahal niya, masaya parin kame, excited parin kame sa pagtupad ng future namen. :( Sana lahat ganun padin eh. Pero wala eh, umaasa nalang ako sa wala. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko na alam kung pano ako mabubuhay ng ala siya eh. :( ang sakit talaga. Ginawa ko naman lahat ng kaya ko e. Ginawa ko best ko, pero bat ganun? Hindi parin ako enough. Ganun ba talaga ako kahirap mahalin? Ganun ako kadaling palitan? Tang ina naman. Ang tanga tanga tanga tanga ko! :’( Hindi ko alam kung ano mangyayare sa’ken bukas, o sa mga susunod pang araw, pero sana kayanin ko. Kailangan e. :( Di ko alam kung ano meron saken after 1 year, 5 years, or even 10 years. Ayoko na munang isipin. :’( Ang sakit lang talaga eh. Bahala na si God. :( Sana naman, masaya na siya. Wala na ako eh. Wala ng gagong laging nagdedemand ng time niya. :’(
I’m still wondering why things didn’t work for both of us. PATIENCE? Super haba! TIME? Di nagkulang! TRUST? Hindi nawalan! LOVE? Sobra-sobra! Pero teka, meron nga ba tlagang “both of us” o ako lang talaga? :\
A day without her. </3 :(
Ang hirap hirap pala? Isang buong araw kameng di nagusap. Di manlang siya nagtext, o sumagot ng tawag ko. :’( Ganun ba talaga yun? Di ko alam kung ano nararamdaman ko e. Nagaalala ako na naiinis na ewan. :’( naaawa ako sa sarili ko. Grabe. :’( ganto pala ako ka-weak pagwala siya. Di ko alam kung ano gagawin ko sa buhay e. :( walang gana umalis, walang gana kumaen, walang gana magisip. Parang lahat ng gagwin ko balewala e. :( walang kabuluhan. Tang ina naman! Bat pa kase kailangang magkaganto eh. Sana lahat nalang bumalik na as dati. :( ang hirap ng ganto. :/ sobrang walang walang wala ako sa mood. :( Parang.. Ewan eh. Tang ina. Ngayon lang to nangyare eh. :’( Napaka desperado ko nang makausap siya. Selfish ba ako? :’( ang sakit sakit e. Tang ina. Di ko alam kung ano nangyare sakanya, kung asan sya, lahat e. Di ko alam. Ang hirap hirap. Alam mo yun? Simula pa kagabe, tawag ako ng tawag, di niya sinasagot. Kahit isang text, wala akong nareceive. Tang ina. Hindi na ako makatulog ng maayos. :/ Nakatulog na ako ng mga 7 am, tas nagising din ng 9. Walang padin. :( tas, tumatawag na ako sa kanya every hour. Then ng mga around 11 am, sinagot niya tawag ko. Maya na daw ako tawag, kase nga ayun. Tapos, sinunod ko naman eh. :( tumawag na ako sakanya bandang mga 12 ata or 1. Wala na. Di na siya nagparamdam hanggang ngayon. Nakakasakal ba ako? :( tang ina naman. Sobrang hirap din naman ng ganto e. Sobrang nagaalala ako, kase hindi ko alam kung asan siya, kung kamusta na siya, o kung bakit andun siya. tang ina eh! Di ko alam gagawin ko. Di ko alam kung tatawag pa ba ako, o hahayaan ko nalang na siya unang magtext. :( Alam mo yung, miss na miss ko na siya? Tas, wala akong magawa. Napakawalang kwenta ko. Tang ina. :( Btw. Sakit pa ng likod ko. Simula pa kahapon. :/ Tas, ngayon, lalong sumasakit. Ewan ko kung bakit. Kakauwi ko lang. Lumabas muna ng bahay.May pupuntahan dapat kase ako sa bayan kanina. Eh, pagdating ko dun, sarado na. Kaya nagpunta nalang ako ng twitt. Around 6pm yun. Tapos, nagpunta ako sa bahay ni Elise, kinuha yung libro, tas naglakad kame papuntang bayan, kumaen lang, tas balik sakanila. Pagdating dun, biglang umulan ng malakas eh. :/ wala akong payong, kaya hinintay ko nalang mawala yung ulan tas, umuwi na ako. mga, 10:15 na ako nakauwe. Ayun. Kahit papano, mejo nabawasan sama ng pakiramdam ko, pero nung paguwi ko dito, sumakit nanaman likod ko. :( gustong gusto ko na magyosi, kaso di ko magawa eh. :( nagpromise ako na hihinto na ako, tas, di pa siya nagttext sa’ken kaya di ako makapagpaalam. :/ tang ina. Kaya ko pa kaya to? Buong araw kameng di nagusap. Shet lang e. Ganto pala pakiramdam. :( Ilang araw pa kaya kame magiging ganto? :( Tsk. Kinaen ko lang ngayong araw na to, kwek-kwek. 4 na piraso. Bayun. Sobrang wala parin talaga akong gana kumaen. Seryoso. Ngayon lang ako nagkaganto. :( Haaay. :/ Bahala na. Sana, maging ok na lahat. :( sana bukas naman, magparamdam na siya. Ayokong mabawasan ng sampung taon buhay ko. :’(
Summeeeeeeeer!
Haha, summer Job ko: PUSOY. lol. Wala naman kase magawa eh. Kelangan ko din ng allowance. Bayun. Ayaw naman ako payagan magtrabaho. =)))) Daming gora, di naman maka alis. =))) Hm, btw, 1 month na kame!xD May sun naren ako. alam mo yun? daming nangyare. =)) hmm, nagkita kame nung 2. wala lang. Ayun, theeeen, waley lang. Puro problema kasunod. :( Pero keber lang. Kaya yan. Tas, ayun. Ang lungkot, waley si scott. muwi din nung 2. Tas ayun. Away din kami kagabe, kanina, away padin. Walang humpay na away. :( Pero, ok na yata ngayon? Hm. Bayuuuuun. Wala akong magawa. Haha. Gusto ko na magaraaaaal. Tas, simula bukas, magggym na akesa. pampalipas oras lang. Ayun. Taaaas, badtrip ako sa globe. Nung isang araw pa. >:| seryoso. Kase naman e! Amp. Kabobo lang. Di ako makaregister. Seryoso. ALAM MO YUN? Asar. Tas, ayun. Inaantok na ako. 3 oras lang tulog ko ngayon. mga 4 na ako nakatulog eh, tas ginising ako ng 7. Pumunta kame ng mandaluyong. Ayun, tapos pumunta ako ng sm nova. nagkita kami ni Elise pati ni Lyanne. Tapos, nagpunta dito sa bahay si Elise, naglaro lang kame ng cards. Haha. Ayun. Enjoy naman, kahit papano nawala pagkabv ko. Tapos, nung pauwi na sya, pumunta kaming kanto. Lumamon kame. =)))) tas ayun. Wala lang. Antagal mag may7, pati may9. Excited na ako magswimming! =))) echos. wla lang.xD ayun. Tinatamad na ako magtype. Aantok na si watashi. -.- =)) Bi, loveyou! :)
Darating ang araw, ikaw na ang makakatabi kong matulog. Magka-yakap buong gabi, kasama kitang magpupuyat, kasi pinagku-kwentuhan nating yung mga araw na nagkakilala tayo. Yung mga araw na kinukulit mo ko, at mga araw na iiyak ako kapag galit ka sa akin. Ang sarap siguro ng feeling na magising sa umaga, mukha mo una kong makikita. Pero kapag nagising ka, wala ako sa iyong tabi. ‘Wag kang mag-alala. Nasa kusina lang ako. Pinaglu-luto ka ng almusal dahil alam kong hindi ka marunong, at wala kang balak mag-aral magluto. Pagdumating ang araw na yan, sigurado na ako na ikaw na nga talaga ang taong mamahalin ko habang-buhay at wala ng iba. :)
Bayun.
Inaantok pko. :| Kaso, dna ako makatulog. BV. Tas, maya2 aalis naren kame. :( Bat ganun? Walang araw na hindi pwedeng hindi kame magaway. Alam mo yun? Kagabe, sobrang napikon na ko. Tang ina. Magagalet bigla2, tas sasabihing hindi ako yung dahilan, pero ako yung pinagiinitan niya? Nakakapikon lang. Seryoso. Tas, ewan ko kung bat ako nagsorry eh. :/ tangina. Alam ko wala akong ginawang kasalanan, pero di ko matiis na magkaaway kame. Putangina lang talaga.:’( Di ako nakatulog. Seryoso. Nakatunganga lang ako magdamag, kachat din pala si tulips kaninang madaling araw. Munggago eh. Tas, paggising ko pa, wala eh. Ganun paren. Di na sana ako nagising. Amp. Alam mo yung, nagsorry ka na, kinausap mo na ng maayos, pero wala parin eh? Tangina sige, ANO GSTO NIYANG GAWIN KO?! Tas ngayon, siya pa galit kase nasusungitan siya saken? tangina talaga. Sobrang nakakapikon. Ewan ko. Parang, pointless naren tong lahat e. :/ parang, ayoko na. Kung ganto lang paparamdam niya saken. Tangina. Kaya ayokong nagseseryoso eh. Kase, pagganto lang din ginagawa saken, di ko mapigilang mabadtrip sa sarili ko. Bat ako nagpapakatanga. Alam mo yun? Tsk. Bahala na. Ayoko mua magisip. Ang sakit lang eh. Bayun. :/
Amboring.
Wala akong magawa, di ako makapagregisteeer! Bwiset ka globe. :| Naubos ko na yung potchi, nakatulog na ko, at nakapagbasa naren ng libro. :| Gusto ko dapat umalis eh, kaso, kahit sa kwarto ko, dko magawang lumabas. BV. May demonyo monster sa baba. JOKE. Joke lang. Pero seryoso, di ako makaalis ng kwarto. Nagugutom na ko. Nakapagalmusal lang ako. Swerte pa ko nun, kase di ko kasabay yung monster! Bayun?! Dumating kase si lolo dito kanina. Ayun, nambulabog. Hahaha! Si scott, takot kay lolo. Bayun?! Akalain mo nga naman, eh, mas malaki pa siya dun? =)) Hm, tapos, nung kausap niya yung monster sa taas, nagbreakfast na ako! Sakto pagakyat ko ulit sa kwarto, bumaba yung monster! AJA! =)) Tas ayun, nung naliligo sa taas yung monster, naligo naren ako. Sa baba nga lang. BV. Ang lamig ng tubig. :| =)) then ayun. lunch time, andun sila sa baba. Di ako kumaen kahit nakailang tawag na saken. Bwiset. Tas, eto ko ngayon, walang magawa. Buti nalang nakabukas yung net. Hm, ang tagal umuwi ng baby ko! eh, di ko naman matext! Naubusan ako ng extraload. =))) Bayun! Leche ka talaga globe. Hm, ayun, ewan ko ba kung sasama pko bukas. Coronation nila encho sa Mr. Earth eh. Kaso, pagsumama ako, ibig sabihin, makakasama ko yung monster. Tsss. Ayoko. Bahala siya. BV. Hm, ayun. Bahala na. Tsk. Nagugutom ako. Seryoso. Magdidinner ako mamaya. :| kahit labag sa loob eh noh? Bayun! =)) Hmm, gusto ko bumili ng baaaaaaller! BTW, ewan ko ba. Naadik ako as baller ngayon. =)) enebeeee. Pero ayus lang. Baller naman kinaaadikan ko eh? =)) loljk! :* Hmm, wala talaga ko magawa. Seryoso. Uhm, kanina, nanaginip ako. :/ May pasok yun eh, daily uniform nga e? =)) tapos, hinintay ko siya. Malamang. Recess, edi syempre, andun kame sa elem messhall. Dun sila lagi pagrecess eh. Tapoooos. Humiwalay kame ni sweet. Kase andun si ENCHO pati si Jenny kasama sila Pau. *kingina! pati sa panaginip sinundan ako! Amp. :| then ayun, nung nakahiwalay kame ng place, nagaaway yata kame? tapos, bigla daw dumating si Jao. :| Parang dumaan lang, paakyat yata. TAPOS, sinundan daw ni sweet si jao paakyat. Nilayasan ako. Deputa. Tas sumama sakanya. Tapos umalis ako saglit. Pagbalik ko, nasa baba na siya kasama sila Pau. Tapos, nilapitan ko daw siya, tas nakipagbreak ako, pero binulong ko lang. Tas, alam mo yun? Pang asar pa yung pagkakasabe ko nun. Tapos, parang wala ako sa sarili nun, parang wala lang saken yung nangyare? tas, nung paalis na ko, bigla daw siya sumigaw, sinumbatan ako, sinabe pa nga, “nangako ka pang gago ka, iiwan mo din pala ako dapat di na kita sinagot, gnun2” tas, alam mo yun? bumalik daw ako, tas kinausap siya, tas nagising na ako. :| ayn. IBA EHHHH. Ang kulet. Nagising pala ako ng 5. Tas, ayun, natulog ulit, nagising ng 7, saktong pagkakatext saken ni baby, tas, nagsleep ulet. Ayun. Hmm, gusto ko talaga kumaen. Gusto kong candy corneeeeeeeeer! BAYUN?! Hm, ayun. Wala na ako magawa.
